Huwebes, Setyembre 8, 2011

Friendless.

Lagi ko naiisip, hindi talaga siguro ako swerte pagdating sa mga kaibigan. Ang gusto ko kasi noon, madami akong kaibigan. Madaming kadaldalan. Madaming kasama pag galaan na. Yung magulo at maiingay at masasaya.

Pero nagbago din naman yun. Bigla na lang naisip ko, di rin pala maganda pag madami, magulo at maiingay. Parang hindi naman talaga kayo nagkakaintindihan lahat kesa sa konti lang kayo tapos mas kilala niyo yung bawat isa. Ang gusto ko na lang, yung ilang mga piling kaibigan lang. Yung mga totoo. Nung college kasi ako, naranasan ko na hindi lahat eh pwede mong ituring na totoong kaibigan. Acquaintances lang kumbaga. Haha. Para bata ang mga realization ko diba. Pero natataon lang talaga kasi na dun ako napupunta sa grupong, kaunti lang. Tapos marerealize ko, mas okay pala noh? Hindi yung puro saya lang, mga katropa lang. Lalo sa college. Kahit sino naman pwede mo maging katropa. Dahil sa inuman. Dahil sa common friends. Puro ganun. Pero pag may problema ka, biglang maiisip mo, kanino ka magsasabi? Sino kaya yung seseryoso sa'yo? Mahirap. Kasi kainuman mo lang sila. Naging kabatian mo lang tapos tropa na kayo.

Tapos ngayon, eto na naman ako. Pakiramdama ko na naman, na wala akong kaibigan. Pakiramdam ko nandyan sila pero ang lalayo nila. Pakiramdam ko, naaalala nila ko pero hindi nila ako namimiss. Pakiramdam ko, hindi naman ako ganun ka-ispesyal para bigyan nila ng oras.

Ganun na lang lagi ang pakiramdam ko mula pa dati. Ewan ko ba kung dahil iba kasi ako magbigay ng atensyon sa kaibigan? O dahil talagang  wala namang ispesyal saken para maging kaibigan nila. Waha. Dramaaa.

Mula kay Rya, na ast option naman ako palagi, kina Dianne at Abi na lagi din namang busy sa iba't ibang bagay pero madalas ay sa jowa, kina Kim at Winona na sadyang malalayo lang talaga at internet lang ang pwedeng makapagkonekta samin, kay Bins at Paul na puno din lagi ang sked sa iba't ibang grupo nila ng kaibigan, sa college friends kong sina Joy, Alec, Revin at Allan na sa text ko lang madalas makasama dahil may sari-sarili naman silang lakad at kung magaaya ay laging wrong timing, o kaya naman hindi naman talaga nag-aaya (siguro naiisip nilang hindi nga ako lagi pwede).

Sila lang. Sila lang naman ang mga tinuturing ko talagang mga totoong kaibigan eh.

May mga oras lang sa panahong 'to, na nalulungkot ako kasi nga parang ang lalayo nilang lahat. Alam kong literal na malayo ako dahil nasa Binangonan ako. Pero nakakadisappoint na ganito na nga ang kalagayan ko, hirap magbyahe, bored na bored sa bahay, walang pera, walang magawa, tapos ganito pa yung mararamdaman ko mula sa kanila na parang no one can shorten the bridge between us. Yun bang kahit gano kalayo eh bibisitahin man lang ako? Sa buong panahon ng pagbubuntis ko na napunta ako dito, wala man lang nakagawang puntahan ako (si Bins nag-offer :) ). Kahit kamustahin o tingnan man lang ang lagay ko o namin ni Iya.

Eh okay lng naman kasi kung walang nagsabi na pupuntahan nila ako dito. Mag oover night dapat. Yung iba, gugulatin na lang daw ako. Pero, sa mga sinabi nila, walang natuloy.

Eto, manganganak na pala ako mahigit isang buwan mula ngayon. At ayun. Wala na akong inaasahan mula sa mga kaibigan kong nangako noong una pa lang akong nagbubuntis.

Hindi naman ako yung kaibigan matagal mawala ang tampo eh. Pero matampuhin talaga ako minsan. Haha. Pero madalas, para bang naiisip kong, wala naman akong karapatang magtampo kasi sino ba naman ako? Di naman kasi ako yung sentro ng grupo. Di naman ako yung oag nawala eh hindi na kumpleto.

Haha. Ang sensitive ko lang siguro ngayon. Kahit naman nga ang pamilya ko, yung mga tita ko? Nagsabing dadalwin din daw nila ako pag may oras sila. Hay. Pero wala din naman natuloy eh. Yung pamilya ko nga di nagawang puntahan ako, kaibigan ko pa kaya?

Pero lahat naman yun naiintindihan ko ko. May mga rason naman sila na katanggap tanggap siguro. At wala ako "say" magdemand diba? Nakakalungkot lang. Hindi ko man lang naramdaman mula sa mga totoo kong kaibigan na kahit papano, ispesyal din naman ako sa kanila para bigyan nila ako ng oras na puntahan ako kung nasaan man ako.

Kaya din siguro ganito na lang ako makademand sa atensyon ni Jong. Siya pa tuloy ang nagdudusa sakin. Haha. Siya na lang lagi ang sumasalo sakin. Haha. Siyempre no choice naman din siya.. At siya lang naman talaga ang meron ako. Siya at si Iya.

Di bale pupunuuin naming dalawa ng atensyon si Iya. Na kung madami man siyang magiging kaibigan o wala, hindi niya mararamdaman na hindi siya ispesyal..


Salamat na nga lang at may blogspot eh. Salamat din at may taga basa ako :) Kayo lang, boid at labins. :) Kailangan ko lang minsan mailabas. At kayo lang naman ang handang makinig. :) Mahal na mahal ko kayow :D

1 komento:

  1. NAKAKALOKA KA NMAN BOID!

    lam mo bang bukambibig kita kay bok, kya kung mkatawag un ng "boid" sayo feeling nya un tlga pangalan mo, ahaha.

    Naiintndihan ko nman to boid, pinagdaanan ko rin to te :) Kaya massbe kong tama ung plano mong ibuhos lahat ng attention mo kay Jong at Iya. Kaya tgnan mo ko, muka kong bok. haha! kung may nagaaya man saken... edi go kung wala edi okay :)

    Cgro kc ako matagal ko ng tinangap na ung mga tunay kong mga kaibigan, malalayo. Kya di nako nagexpect.. di nako naghnap. Come what may. At kusa nmang dumating ung mga kaibgan ko dto, so sa icip ko.... Ahh ganon pla un, suprise tlga gsto ng tadhana, gsto nya ibigay ung gsto mo pag feeling mo suko kna.

    I bet magllbsan lahat yan pag nanganak kna, kase gsto nla ma sight c Iya, kya wag kna masyado sad aneng :) kase pra saken sobrang special ka kc love na love ko kaya boid ko. Alam mo bang dream kong mag shopping ng baby stuff with you! kaso wala e, hngang padla lng kaya ko.. di pa kya ng presence ko umappear. Kaya ang bet ko, paguwi ko gsto ko llbas tayong tatlo ni Iya, at babawi ako sa lahat ng utang ko sa pgkakawala ko hbang nagbubuntis ka, promise. Wag mo lang mramdamang hndi ka special!!!

    I know na one day, SOON yang pagkukulang na nrramdman mo na feeling mo di kpa fulfilled in a social sense, mapupunan lahat pag labas ni Iya :") at un tlga ang nilolook forward ko.. ang pictures nyong mag ina, pag nakita ko na ung ngiti mo hbang hagkan mo c Iya, by then lahat ng worries mong to maglalaho :) excited nako!

    TumugonBurahin