Ako yon, Oo. Concern lang ako :) Meron akong maliliit na hinaing sa kanila kahit na alam kong wala akong karapatan para magkaron ng sama ng loob o ano man. Lagi kong iniisip, bunso kasi si Jong, o kaya, wala pa kasi kami nai-aambag dito sa bahay, o kaya, palamunin pa lang kasi kami sa ngayon. Kahit masama pakinggan, oo, palamunin lang naman talaga kami dito kaya parang laging wala kami karapatan sa lahat. Nakakalungkot paminsan kasi, anak naman nila si Jong eh. At oo, suportado naman talaga kami sa lahat ng gastos pero para saken, bilang asawa niya, nasasaktan lang din ako at ako yung sumasama ang loob.
Alam ko, yang si John Donn, wala naman sa kanya yung mga ganung bagay eh. Kasi sanay na siya. Kahit noon pa naman, ganun na talaga sila sa kanya. Bunso kasi, bunso kasi. Ganun na lang lagi.
Madami ako alam na ganung storya. Kahit nga yung kapatid ko eh. Binubully ko din lagi. Utos dito, utos dyan. Tapos pagalit pa ko. Hahah. Pero yung kapatid ko, walang angal. Susunod pa din siya. Maiinis siya alam ko, pero susunod pa din siya saken. Ganun siguro lahat ng bunso? Ang babaet sa mga nakakatandang kapatid. Haha!
Pero ngayon, parang mas lalong nawalan ng karapatan si Jong sa lahat. Parang lalong lumiit yung natitira niyang karapatan dito. At dahil saken yun :( Dahil sa halip na siya lang, tatlo pa kaming magiging pabigat dito.
Alam ko burara yang si Jong sa gamit niya. Minsan nga pagod na ko sermonan yan eh. Lagi ko na lang papaalalahanan na ilagay yung mga hinubad niyang damit sa labahan, ibalik sa dati yung mga kinukuhang gamit, wag kalimutan kung san pinapatong o nilalagay yung mga gamit niya o gamit ko o gamit ng mga tao dito. Kasi sa kanya lagi hinahanap. Di kasi marunong magbalik ng gamit.
Naiinis din ako paminsan. Kaya lagi ko yun sinasabihan. Pero alam ko, matututunan din naman niya yon. Di ko naman pagsasawaan yon, kahit araw araw ko siya pagsabihan. Iba ibang strategy lang. Hahah!

Tsaka, kahit madami siyang ganung flaws, alam kong napakabuting tao ng asawa ko. Feeling ko nga, siya pa ang pinakaresponsableng tao, asawa/bf sa kanilang magkakapatid eh. Haha. Siyempre, asawa ko eh noh? Pero sa mga nakita ko, experience ko, ang kulang lang naman kay Jong sa ngayon eh trabaho eh. Nagiging responsable lang sila kasi may kita na sila, nakakapagbigay sila ng pera, eh si Jong hindi pa. Kaya para bang kung makautos na lang ang mga kapatid niya, para bang may kasamang, wala ka na nga silbi dito, di mo pa magawa yung mga inuutos sa'yo.
Lalo na si Kuya AJ. Kapag may maling nagawa si Jong, o kaya may hiniram si Jong sa kanya, o kaya may gamit siyang nawawala, para bang wala na nagawang tama si John Donn. Ewan ko. Napakademanding niya :( Laging pagalit pag kinausap si Jong.
"Jong, bat ba lagi mo kinukuha tong mouse ko?!"
"Jong, nasan na yung earphones ko?!"
"Jong, maghugas ka nga dun ng pinggan! Sinong inaasahan mo maghugas ng pinggan?!" (Kahit naman, huhugasan din yun. Kaya lang wala pang tubig.)
"Jong, maglinis ka nga sa 2nd floor."
Lagi na lang niya pinaglilinis si Jong. Yung tipong, parang hindi kami naglilinis? Eh naglilinis naman talaga kami pag may oras. Pero pag nagdemand siya, para bang araw araw eh naglilinis siya at pagod na pagod eh pasok trabaho, tulog at kain lang naman din ang ginagawa niya. Isang beses ko lang siya nakita naglinis. Sa kwarto lang niya.
Tapos ang dami niya sinasabi. Ang dami niya comment. Eh bakit hindi siya ang gumawa?
Tapos kapag may kailangan siya kay John Donn, lalo sa laro nila sa Rohan, demading pa din... :|
"Jong! Pahiram nung armor mo! Tsss. Di mo naman ginagamit eh!"
Alam ko simpleng bagay lang yun pero diba ikaw na nga yung may kailangan. Tapos pag ayaw ni Jong, galit pa siya. Eto namang si John Donn, napakamalumanay.. Ang sasabihin lang..
"Ehh. Hirap maglipat eh. Wag na.."
Di man lang magsabi ng... "Akin yun eh. Gawa ka sarili mo."
Pag siya kinakausap ng kuya niya, parang walang respeto.
Alam ko normal na yun sa kanya. Pero, ganunin yung asawa ko sa harap ko? Nasasaktan naman ako. Ayoko ng ginaganun siya kahit na alam kong kuya niya yun.

Pati si kuya jason. Pag nag utos yan kay Jong, gusto niya sunod agad. Pagsalin ng tubig, pagbaba ng mga gamit sa sasakyan. Hala? Boy na boy ah.
Yun na yun. Basta. Nasasaktan lang ako na palamuning palamunin ang dating namin ni Jong kasi sunod lang kami sa lahat. Ako, di naman ako inuutusan pero siyempre, wala pa din akong boses. Wala ako karapatan. Kaya pag nasasaktan ako para sa kanya, sinesave ko na lang siya. Sinasabihan ko na lang siya na, "Beb,sundin mo na.." "Beb, wag mo na kasi gamitin yun." Para wala na marinig.
Tapos kagabi din.. Kahit mama at dadi niya ganun din naman sa kanya eh. Kasi nga ganun na yung pagkakakilala nila kay Jong. Pag may nawala, yung gunting, yung susi, yung towel, yung pera... Lahat sa kanya itatanong, sa kanya hahanapin, at sure silang si Jong ang kumuha. Kahit na minsan, wala naman talaga sa kanya.. Sana maalis ko pa sa kanila yung ganun image ni Jong :( Sana maturuan ko na siya na maging responsable sa mga maliliit na bagay para hindi na siya lagi pag initan...
Minsan kasi, kapag hindi na talaga siya ang may kasalanan, siya pa din.. Ayoko ng ganun, kasi nasasaktan ako para sa kanya. Eh siya naman, wala lang sa kanya. Ang kulit eh. Hinahayaan niya lang lagi. Hindi siya nangangatwiran. Hindi niya pinagtatanggol sarili niya. Hindi niya ineexplain yung side niya.
Naiisip ko, sana makaipon na ko madaming pera. Bibili na kami ng bahay. Bubukod na kami. Doon, wala na magdedemand sa kanya. Ako na lang! Haha. Atleast, obligasyon niya yung saken. Pareho kami, magdedemand sa isa't isa.. Ang idedemand ko lang naman, lambing niya :">
Di naman ako galit sa kanila eh. Mahal ko pa din naman sila... Pero siyempre, pag mga oras na ginaganun nila si Jong, nasasaktan lang yung ego ko bilang asawa niya. Na, sana wag naman nila ganunin sa harap ko si Jong :(

:( MOVE OUT NA TE! banas ako ng gnyan, dko kaya magtimpi nyan. Pag ppray ko na magka work na c Jong.
TumugonBurahin