Paano nga ba maging magulang?
Parang putahe ba 'to na may susundin kang recipe? Parang Science project na may step-by-step procedure? Parang program na kailangan tama ang coding? O parang computer game na may "how to play"?
Pag nabuntis ka, para ka lang namang nagte-thesis. Parang isang malaking project ang pagtutuunan mo ng pansin. Aalagaan mo ng siyam na buwan. Mag-iinvest ka ng maraming time at effort para dito. Gusto mo maging successful yung project kaya lahat ng pwede mong gawin para mapabuti at ikaganda nito eh gagawin mo. Kakain ka ng healthy foods. Lalayo ka sa mga bisyo. Isasantabi mo yung mga bagay na hindi mo dapat problemahin. Parang ito yung pinaka project proposal mo, yung pagbubuntis mo. Dito mo pag-iisipan lahat ng kumbaga sa thesis eh, pinaka-design o template, yung objectives of the study, limitations and delimitations, scopes pati background of the study. Sa siyam na buwan, magiging busy ka kakaintay kung approved ba ang thesis mo. At finally pag labas nito, tsaka mo lang malalaman.
Masarap sa pakiramdam paglabas nito tapos approved. Approved in a way na, healthy at normal ang baby mo. Yung makikita mong kamukha mo, o ng asawa mo. Makikita mo yung ngiti niya, mahahawakan mo siya at maiisip mong "sakin galing tong bulinggit na tao na to..", tapos masasabi mo na lang sa sarili mong... Lahat ng hirap ko sa proposal na to eh bawing bawi na. At lahat ng magagawa mo pa para mapaayos siya eh gagawin mo. Hindi mo na hahayaang ma-reject pa. Hindi ka papayag na may mangyayari pang masama dito para ikasira ng baby thesis na to.
Pero proposal pa lang yun diba? Prototyping at Implementation of the Study pa. Sa totoong thesis, dalawang semester lang yan. Pero dito, pag nagkaanak ka, syempre hindi lang dalawang semester mo aatupagin ang anak mo. Wala nag katapusan, habang buhay yan. Tama, isang pang habang buhay na thesis making yan.
Pag nagkaanak ka, daig mo pa nga ang nagmamasteral degree eh. Bawat taon kasi, parang may mga achievements kang makukuha, tapos iba iba dun yung mga matututunan mo. Kahit kasi sino, wala namang handang handa na para maging ina o ama e. Kahit nakaplano man ang pagbubuntis mo, pag nandyan na ang baby mo, tsaka lang magiging reality ang lahat. Parang sa pag-aaral, hindi mo naman kasi kabisado ang takbo ng utak ng mga prof mo. Hindi mo hawak lagi ang pagkakataon. Hindi lahat ng araw eh masaya. At sa araw araw na pagpasok mo, hindii mo masasabing araw araw kang handa sa mga mangyayari.
Hindi pa ako bihasa dito. Baguhan nga lang ako eh. Dalawang linggo? Walang wala pa ako sa kalingkingan ng pagiging ganap ng magulang. Dalawang linggo. Yun pa lang ang naaachieve ko, pero madami na rin ako agad natututunan at narerealize.
Ang pagiging magulang, aligaga pag oras na ng iyak ng bata. Parang mga deadlines lang ng projects. Pero ang pagiging ina, parang araw araw eh deadline mo na. Araw araw kasi eh pagpupuyatan mo. Minsan hindi ka makakatulog ng maayos, minsan hindi ka talaga matutulog magdamag. Pag gising ng anak mo, sa ayaw at gusto mo,gigising ka na rin kahit alas kwatro pa lang ng madaling araw. Titingnan mo kung gutom na ba sya, basa ba ang lampin, pawis ba sya, nilalamot o nilalamig. Parang lagi ding may graded recitation na dapat lagi kang handa. Dapat may instinct ka. Dapat kahit hindi ka pa bihasa, alam mo kung anong dapat gawin para sa anak mo. Dapat handa ka. Handa ka gawin lahat para sa kanya. Hindi ka dapat mauubusan ng pasensya kasi ikaw din ang mahihirapan. Kumbaga sa thesis mo, ireredefense mo pa rin, kundi, ikaw din ang babagsak. Kasi pag naubos ang pasensya mo sa codes na di mo mapagana, edi bagsak ka. Parang sa anak mo. Pag wala kang pasensya, hindi mo sya mapapatulog ng maayos. Trial and error yan. I-hehele mo sya. pag tulog na, ibababa mo. Pag nagising, ulit ulitin mo lang i-hele ulit. Haha. Parang do-while loop lang sa programming.
Pag nagte-thesis ka, may mga araw na tatamarin ka talaga gumawa eh. Kaya nagccram ka. Pero sa pagiging magulang, walang cramming. Bawal. Pag nagcram ka, babagyuhin ang bahay niyo sa kalat ng mga gamit dahil hindi mo na magawang malinis dahil hindi mo maiwanan yung baby mo. Dapat hanggat may oras, gawin mo na kasi pag nagising sya, wala ka na ibang magagawa pa kundi alagaan lang sya. Ang pinaka award mo dito eh pah nagsmile na sya sayo. Walang sayang kapalit. Walang pagod na hindi mapapawi. Nakakagigil. Gusto mo laging halikan. Ang sarap panuorin habang natutulog sya. Nakakataranta pag umiiyak na ng todo. Pero pag napatahan mo, siguradong mawawala ang stress mo. Hindi tulad sa thesis to na kailangan mong makakuha ng uno. Wala kasing magbibigay sayo ng grado. Malalaman mo lang na pasado ka pag napalaki mo siyang maayos at may takot sa Diyos.
-bitin. ;P
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento