Gaano kahirap magbuntis?
Kung ako lang ang pagbabasehan, sa mga pinagdaanan at pinagdadaanan ko pa lang, siguro kahit paano eh madali lang. Hindi kasi ako naglihi, walang morning sickness, hindi nasusuka sa iba't ibang amoy, hindi sensitive.
Pero sobrang hirap na ng mga nangyayari para sakin. Inip na inip na ako sa siyam na buwan na madaming bawal, madaming sakripisyo, madaming kailangang kainin na hindi ko hilig.
Sabi ko nga kay Jong, first and last na to eh. Ayoko na magbuntis. Okay lang saken kahit sa ibang babae na lang pero sya pa din ang ama :)) wag lang ako ulit maghirap ng ganito. Haha!
Noong unang trimester, ang mahirap lang eh yung ang sakit sakit lagi ng lower back ko. Pero the rest, wala naman ako poblema. Kaya nga hindi ako naniniwala nung una na buntis talaga ako, kasi parang normal pa din naman lahat. Actually, nagyoyosi ako nung mga time na yun. At nag inom pa ata kami once kaya nga nangangamba ako kung may part kay baby na baka maapektuhan. Nagpepray talaga ako na wala talaga.
Nung next trimester naman, 4-6 months, eto yung nag-aadjust na talaga ko kasi lumalaki na yung tummy ko. Ambili ko mangalay, kailangan may support lagi yung likod ko, ang hirap humanap ng pwesto pag matutulog, hindi pwede yung sudden movements. Tapos ambilis ko mapagod. Konting lakad na pataas ang daan, pagod na ako. Dito yung time na naiisip kong totoo na talaga to. Kasi lumalaki na talaga yung chan ko. At nagstart na din magkaroon ng stretch marks, nagstart na din gumalaw si bebi ng pakonti konti mga early 6 months ata or 5th month. Tapos pinakamahirap din tong trimester na to kung ang paguusapan eh yung emotional aspect. Dito naganap yung paglipat ko dito kina Jong. Dito din naganap yung dumalaw ako samen at nagkaharap ulit kami ni papa. Pero dito rin yung nagka-ayos na din kami at last.
At eto na, nasa last trimester na ko. Eto na yung time na parang ang bagal bagal ng mga araw kasi iniintay ko na lang na mag-labor na ko at isugod na ko sa ospital at tapos na, lumabas na ang baby ko! :D
Habang tumatagal ang pagiintay ko lalo akong nahihirapan. Lalo akong kinakabahan. At lalo akong naiinip at naeexcite. Grabe yun day to day routines ko. Parang ang dami ko pang gustong gawin pero tamad na tamad na ko.
Grabe yung mga galawan ni bebi! Ang likot likot niya paminsan tapos umaalon pa talaga yung chan ko minsan. Tipong makikita ko talaga kung paano siya gumalaw. At mapapatigil ako sa kung ano mang ginagawa ko.
Hayy. Pinakamahirap na 3 months to ng buhay ko, sa ngayon :D Physically stressed talaga ako. Tinatawag na akong auger ni Jong! Ang laki kasi ng hita at paa ko. Tapos yung mukha ko parang namamaga na din. Ewan ko ba kung bakit ganto na tong mukha kong to pero ampanget ko pala talaga pag tumaba ako!
Imba yung frustrations na kinakaharap ng mga buntis sa tuwing makikita nila yung lumba lumba nilang katawan. Isama mo pa yung mga nag iitimang singit at mga stretch marks.
Tapos, ang hirap hirap bumangon lalo na sa sahig kami natutulog ni Jong. May kuchon naman na malambot pero yung effort na pagtayo, isang malaking pagsubok. Tapos minsan may mapi-feel kang nawiwiwi ka na, kasi yung galaw ni bebi parang pababa sa puson mo. Tapos di ka makakatagal sa upong indian sit. Kelangan kasi nakabend ka ng konti palikod kasi feeling mo laging naiipit yung chan mo. Tapos pag may nahulog, eeffort ka din talaga bago mo sya makuha! Di ka makapaghilod ng maayos sa lower parts ng katawan mo kasi di ka makakayuko, tapos pag nakaupo ka naman maligo, mejo nakakangalay pa din pero ganun ang ginagawa ko, nakaupo ako. Pag magtu-toothbrush ka, or maghuhugas ka ng pinggan, laging mababasa yung damit mo kasi di mo mapapansin, nangunguna nga pala yung chan mo. Minsan din pag dadaan ka patagilid sa masikip na daan, mauuntog yung chan mo kasi malilimutan mong may bukol ka sa nga pala sa chan. Haha! Mamimiss mong matulog ng nakadapa kung mahilig kang dumapa dati. Pahirap din maglagay ng lotion sa legs mo. Grr. Ang hirap din magsuot ng undies! How do u wear undies ba? Yuyuko ka diba? Eh hindi ka nga makakayuko e. So it's either uupo ka sa kama or chair para maisuot mo or pag nakatayo ka, one leg at a time while holding the undies. Pag nahulog, badtrip. Haha. Nakakainis sumakay at bumaba ng jeep at tricycle kasi dapat dahan dahan, pero nakakahiya naman kung magbabagal ka diba. Kangalay sa likod tapos hassle pa kasi I shouldn't look like nahihirapan. Hahah. Tapos triple ang init na nararamdaman ko kumpara sa mga kasama ko. Kung pwede nga lang may baon ka laging aircon eh. Leche. Napakadaming bawal! Hotdogs, preservatives, fish balls, sweets, softdrinks, chicha, noodles, mga super malalamig. Pero halos lahat yan, kinain ko. Hahah. Pero shempre konti konti lang. Magiging sakang ka pa, at pag minamalas malas ka, mamamanas ka. Patay. Ako, di naman gaano.
Ngayon, gano nga ba kahirap magbuntis? Hahaha. Wag mo na isipin! Manganganak pa nga eh :)) Tingnan naten kung kakayanin ko pa :))
KULET! Dame kong tawa sa post na to, salamat sa pagbabala ahaha <3
TumugonBurahin