(Mas maganda yung una kong gawa :( kennice! nawala.)
I know I can never be the best mom. I have flaws when it comes to myself. I can't even handle my own emotions at times. I always worry. I always think negatively. I always cry. I am always like a child. I am always the weak one.
But all that worries can be set aside because he's my opposite. He always seems so calm, so strong and no-problem-at-all person. The past week was like the hardest part of my life emotionally, as of now. I feel like I'm gonna break down any second of the day. It started from the time I held Iya.
I'll make this more emotional, tagalogss.
Siguro totoo nga yung "baby blues" noh? Yung after mo daw manganak parang malulungkot ka, minsan parang ayaw mo pa sa baby mo, depress ka. Mga ganung bagay. Kasi daw parang, punong puno ka ng excitement nun wala pa siya tapos ngayon, anjan na, ano na? Parang ganun. Tsaka maninibago ka sa lahat. Nakakapanhina lang na nararamdaman ko yun hindi lang dahil kay iya kundi pati kay JD at sa sitwasyon, at sa pamilya namin.
Tapos nakakainis lang din na si Jong yung tipo ng taong hindi namomoblema sa kahapon at sa bukas. Kung ano yung ngayon, yun yun ginagawan niya ng paraan pero di niya pinoproblema, di niya iniisip na problema. Kaya lahat kaya niya i-handle. Pero ako, di ko siya kaya tingnan ng ganun e. Nung isang gabi,umiyak ako. Ang sakit sakit kasi nung tahi ko. Parang napagod. Naiyak na lang ako bigla habang nagpapabreast feed ako. Tapos yung gabi before nun, umiyak din ako dahil kay Jong.
J: Oh, bat ka umiiyak beb?
K:Eh, di ko kasi kayang tingnan ka, parang pagod na pagod ka na. Lahat ikaw ang gumagawa.
J: Hindi beb, kaya ko naman eh. Tsaka ganun talaga. Ngayon lang naman to kasi nagpapagaling ka pa. Pag okay ka na, dalawa na tayong gagawa ng lahat diba? :)
K: Alam ko naman un kaso nahihirapan ako para sa'yo. Kaya nga gusto ko sa lipa na muna tayo. Dun mabilis ko masasabi sa mga tita ko o kay inay na alagaan muna si iya habang di pa ko magaling. Sabi nga ni inay, dalhin ko lang daw dun si iya eh, siya na mag-aalaga.
J: Beb,kaya ko naman kayo alagaa pareho ni bebi e. Sabihin mo lang saken yung mga dapat kong gawin, kaya ko naman.
Parang ayaw niya umuwi sa Lipa kasi siya naman daw ang mag-aadjust. Syempre sya naman yung hindi free gumalaw. Pero kailangan talaga namin umuwi dun kasi aalis yung parents niya kasama yung dalawa niyang kapatid. Wala kami makakasama for 5 days. So ako, pagkakataon na yun. Gusto ko mas matagal kami dun kaya sabi ko, sunduin kami dito ng mas maaga.
Ang dami dami ko laging inaalala. Kaya lagi akong depress at naiiyak. Tapos nagpaparamdam ako sa kanya ng mga ganitong bagay.
K: Beb, gusto mo dun muna si iya kina inay? Habang nag-aaral ka pa tapos ako hahanap ng trabaho. If ever wala pa tayo mahanap na baby sitter tsaka kung wala pa tayo pang sweldo sa baby sitter.
Naiiyak ako habang sinasabi ko yan, pinipigilan ko lang. Kasi alam kongg aayaw siya at ayaw niya din pag-usapan.
J: Beb, anu un? Weekend lang tayo makikita ni bebi? Ayoko nun.
K: Eh saglit lang naman diba? Pang samantala lang. Ako nga 7 yrs. inalagaan ni inay eh. Tapos nagwowork sina mama at papa.
J: Beb, di porket ganun ginawa sa'yo, gusto ko ganun na din para kay iya.
Parang iritable na lang siya lagi pag ganun yung topic. Tipong ayaw na ayaw niyang mapapahiwalay kay iya. Natutuwa ako at naiiyak kasi it seems like he loves her more than I love her :( Kakatouch lang.
Tapos iniisip ko pang sabihin na, sa 2nd semester niya, dun na lang kaya muna kami ni bebi sa Lipa. Tapos dalaw dalaw na lang siya. Alam ko mag-aaway kami pag ni-suggest ko yun. Pero ayoko nung pumapasok siya tapos maiiwan kami ni iya dito sa kanila. Tsaka nung buntis ako, sila na lahat eh. Pati ba naman pagkapanganak ko pa diba. Pabigat na kami masyado. Nakakhiya na. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapapayag pero ayoko talaga dumito ng wala pa kong trabaho, ng wala pa ko maiaambag sa gastusin para sa aming tatlo. Pero pano? Ayaw na ayaw niya mapahiwalay samen? Alam mu un, nakakatouch talaga. Hindi niya naiisip na mas free siya pag andun kami sa Lipa. Yung mas makakapaglaro siya, mas makakalabas, di niya kami aalagaan. ang iniisip niya, gusto niya lagi kami kasama. Tipong hindi kumpleto pag wala kami.
Ang sama ko ba kasi di ko yun napifeel? Ako naman kasi, para sa amin tatlo yung iniisip ko. Yung mas makakabuti samen kahit na mas mahihirapan kami.
Tapos yung mga tanon kong...
K: Beb, hindi ka ba natatakot kay bebi?
J: Panong natatakot? Natatakot ako pag tulog siya baka biglang maglungad o kaya kagatin ng ants or lamok.
Samantalang ako.
K: Ako natatakot ako pag gabi na eh. Kasi baka hindi tayo patulugin o baka mahirap patahanin.
Bat ako ganun yung worries ko? Haha.
J: Ahh, eh diba ganun daw talaga pag baby pa. Tiis lang tayo sa puyatan. Hehe.
Sa gabi at madaling araw si Jong ang gising ng gising. Pag gigising ako, late na kasi inaasikaso na niya si iya. Gising na siya para ayusin siya, itimpla ng milk, i-hele siya, ayusin yung kulambo, tingnan kung may ants at lamok, tingnan kung nagsuka.
Ang tyaga niya, grabe. Mas lalo ako naiiyak pag ganun e. Nakakainis. Ako, shempre nagpapagaling pa kaya di ako makagalaw masyado. Kaya sabi ko sa kanya siya muna, tiis lang siya. Pero minsan sobra sobra yung pagaalaga niya. Ang kulit.
Tapos last time, tulog si iya...
K: Beb, dun tayo kabilang kwarto, nuod tayo. Tulog naman si bebi eh.
J: Eh, ayoko iwan yan si iya, baka may kumuha.
K: Hahah! Baliw. Sino kukuha jan?
J: Joke lang.. Pero ayoko nga iwan sya. Wag na lang natin iwan.
Pa-joke lang niya sinabi pero ayaw niya talaga iwan. Kaya pag manunuod kami, bitbit namin, ililipat namin lahat ng gamit. Panlatag, ung kulambo niya, pillows. Kahit mahirapan siya kasi siya nag aayos lahat. Okay lang basta kasama namin si iya. Letse! Edi siya na! Siya na talaga ang best dad everrr! Ang swerte swerte namin ni bebi iya sa kanya :)
Nakakainis kasi mas nagiging emotional ako kasi ang galing galing niya lagi. Kaya niya lahat gawin para samin. Kennice pa nga talaga!! Hahah. Hay nako, di na ko makapag intay magtrabaho.. Makakabawi din ako sa kanya at kay iya! PANGAKO. Gagawin ko din lahat, para sa kanila Mag-intay lang sila na maging fully recovered na ko.
Congrats boid! Naka jackpot kaaaa sa asawa :D
TumugonBurahinWag mong i-stress ung srili mo boid, gagaling ka ren, wag kang atat :D mag enjoy ka lang mapagsilbihan, parte prin yan ng pagbbuntis mo. Natural lang na magworry ka pro wg mo ng dibdibin gnyan tlga, pagaling ka muna.
Maswerte ka responsableng ama at asawa c JD na tlgang ayaw mawalay sa inyo, pro I know what you mean boid na pra sa inyo nman iniisip mo, pro xempre di tlga ppyag yan c JD mawalay sa inyo lalo pa sa mga panahon nato na nasasanay na xang alagaan c Iya :) natutuwa ako kay JD, swerte mo boid. Honestly, hndi ko alam kung pano mo ma coconvince c jong sa gsto mo ng di kayo magtatalo. Hmmmm pagusapan nyong malumanay yan, kc maigi rin ung gsto mo boid e.. mas mpapadali kayo un nga lang si jong din magssakripisyo xempre gsto nya lge kyo ksma tas bglang once a week nlng. Wag na boid, pagaling kna lang, at makakabawi ka rin ng bongga kay jong, sa parents mo at parents ni jong.. wag mo na i-stress srili mo :) malapit na yan boid.