Sabado, Oktubre 9, 2010

From my Best Friend.

*One of his gift on my 18th.



Effect of Hydrochloric Acid (HCI) as Do pant on
The electrical and Morphological Properties
Of Electro spun Poly-Aniline (PANI)
Fiber



A scientific Paper Submitted as a Partial
Requirement in Research II for the first Semester
AY 2008-2009





Prepared by:
Ryan Valencia
2007-47557




ABSTRACT


            Gulat ka no? hehe, ayan ang title ng Researc paper ko nunh hayskul. Pero hindi ko naman idi-discuss sayo ang procedures niyan. Pero since nerd and bespren mo, eto naisip ko regalo sa’yo. Isang research paper na pwede mo mabasa on your leisure tie. Oo, this is something for you to read. Conyo na ko ngayon! Heheh… At dahil gumamit pa ako ng yellow pad na patungan (since alang PC na available sa ganitong oras,1:15 am), dapat basahin mo to. Ano nga ba to?


            Over the years, the use of Polo aniline has been pivotal… Hindi nga pla to tungkol sa poly anline. Ang kulit ko. Pasensya na. Masakit na kasi ulo ko, a practical exam ko na bukas  sa Red Cross. Pero, au slang. Sabi ko nga, hindi ako matutulog hanggang hindi to tapos. Walang arteng papel. Puro letra lang. Sulat. Salita. Kwento. Ayan lang laman nito. Random thoughts ng isang emo na tao, kahit walang bangs. Parasa’yo to bes!



INTRODUCTION


May 2008 – nag – LCF exhibit kami sa may Plaza sa Lipa. Successful naman. Madami bumili ng mga paintings ng mga bata, lalo na ni Ruby Gean (na iniinggit pa ako). Simula pa sa time sa to, nag-iisip na ako ng magandang regalo sa bespren kong magbbday in 4 mos. Sabi ko gagawan ko nalang siya ng portrait, charcoal! Para astig dba?


June 2008 – Pasukan na! medyo light ang pagpasok ng buwan. Ang problema, hindi ko napa-enlarge yung picture na ichacharcoal ko. In the first place, wala pa pala ako napipili. Wala ako magandang angle sa mga pic niya sa akin. Sabi ko, sige sa friendster nalang. Next month, sisimulan ko na to.


July 2008 – waah, nagbagsakan ang responsibilities ko. Natanggap ako sa Ahead (tutorial center) kaya nakain na ang kontin kong free time in between classes. Tapos, nayaya pa kong sumali sa org, sa Red Cross Youth (RCY), kaya lalo napuno sked ko sa daming requirements ng org. nakalimutan ko yung balak kong gawin.


August 2008 – Midterm exam, speech event, MP’s (machine problem), tutorial, RCY. Bday ko rin pala nung buwan na to. Bihira ako magka-idle time at naubos oras ko sa main library halos gabi-gabi. (dahil kay krystel na parati nagpapaturo) ganun parin. Mabuti nga at may social life pa ko kahit papaano. Pressured na ko nito sa regaling matagal ko na na-plano. Ala pa ring pic. At masalang time. (Ang bagal ko pa naman mag-sketch)


Sept 2008 – ihira na ako makaui ng bahay. Tipong darating ng Saturday ng gabi at alis rin ng madaling-araw ng Monday. Every 2 weeks pa un. Nagbday si Ruby Gean at inabandona ko na ang portrait. Alam kong kapos na sa oras at resources. At pigain ko man ng utak ko ala pa rin ako maisip na isang bagay na mgugustuhan mo na wala ka pa. ang hirap. Kaya eto, bibigyan kita ng lima con. Isang polar graph – nerd!Para sau!


π  - axis
2
 r = 2-2sinθ



Pasenya na kung mejo sabog ako magsulat ah. Pero teka, para san nga ba ang napakahabang letter / paper na to? Anong objectives?










Objectives of the Study

            Kailangan pa ba sabihin? Pero eto, mga concrete objectives ng mushy piece of work na to:
  1. to surprise you! Hindi ka ba nagulat? --,
  2. to make you feel special. Siyempre, special ka naman eh.
  3. to thank you! 18 yrs. mo na ako natitiis!
  4. to congratulate you. Naks, dalaga na. May bait na.
  5.  to honor you! Hinahangaan ko ciempre ang galling ng bespren ko.
  6. mang-guiltrip? Heheh… pede rin. --,
  7. to remind you of our childhood memories. Yuck, emo. Heheh…
  8. to make you smile! Ngumiti ka nga ba?
  9. to make you emo. Natutunan kong parte yan ng buhay. Ok lang un.
  10. TO GREET YOU! Ano ba okasyon? Wala naman… Bday ko last month… HAPPY BIRTHDAY MS. SOLO!






REVIEW OF RELATED LITERATURE

Sino nga ba so Bongla Bongla Laguna?

  • Yung nakatira sa San Pablo, natural! Este San Pedro, Laguna pala!!
  • Yung trese – luka luka raw at tumatapat pa minsan ang bday sa Byernes perokabaliktaran, swerte cia nun!
  • Yung kumakanta ng ‘Through the fire’ at idol ni Kakang Vergel at lagi rin siya pinapakanta sa videoke. ‘Luha’, Sarah Geronimo, kahit ano…
  • Yung burot sa tumba lata nung naglalaro pa kami. Madaya kasi sine-save siya ni Kuya Manny pag ganun. O kaya naman, sisigaw yan ng ‘ayawan na’. tsktsk.
  • Yung nang-aaway sa mama at papa niya. Sinabi ng bawal, matigas ulo. Peace bes! Heheh…
  • Yung matinis ang boses rinig hanggang ilaya ang boses pag nagkukuwento.
  • Yung kapareho ng tawa nina Kakang Bike at ng mama nia.
  • YUNG BESPREN KO! Yung disi-otso na ngayon! Matanda na!



DEFINITION of TERMS
Mga salitang siguradong alam mo, at naaalala pa…
  1. Bongla – ikaw yan! San nga bat oh galing? Di ko rin alam.
  2. Garapon – ako to! Tawag ng Até kapag ibabato na niya ang tsinelas ko sa bubong nina Ate Edel.
  3. Tong – it Queen – ang ate, na lagging champion sa pisuhang tong – it sessions natin dati.
  4. Nervous – gama na galling sayo. ‘Heart Attack’ pala tawag dun sa ibang lugar.
  5. Pa-overan – paborito kong laro dati. Hindi to alam sa Manila. Try mo itanong.
  6. Tessie Tomas – she-who-must-not-be-named. And Dark Lord ng Inosluban. Heheh..   joke lang yun!
  7. Kalamias – puno sa may harap ng bahay. ‘kamias’ talaga dapat un. Sa Batangas, lang kalamias.
  8. Puti – itanong mo sa mama mo kung sino.






METHODOLOGY

            Paano nga ba tayo naging magkaibigan? Ang naaalala ko lang, namulat na akong sisigawan lang kita mula sa grotto at maglalaro na tayo hanggang pagalitan tayo ni Ninong Ibol. Tandem pa sila nun ni Nanay Terya. Pero eto, mga flashes of the past na naaalala ko.

  1. Daycare. Graduation sa Cultural. Kumanta pa tayo ng Shalalalala. At mas mataas rank natin sa Ate kahit saling pusa lang tayo! Astig na mga bata.
  2. Baraha. Sabi ko nga sa mga college friends kong di maniwala, kinder pa lang marunong na ko magtong – it. Pero totoo. Andun tayo sa terrace niyo. Kung hindi baraha, pick – up sticks nilalaro natin. Jackstones din pala. Si Dhey ang lagging nauuna.
  3. Playground. Nagkaroon tayo ng playground sa grotto. Yunf slide, nilalagyan pa naming ng floor wax nina Darryl. Minsan, naglaro tayo ng putik. Di ko un makalimutan kasi nagalit sina Dhey at nadumihan yung slide.
  4. Torotot na mic. Meron kang torotot na parang telescope. Microphone natin yun sa swing. Si Darryl, paborito ung ‘Baliw-naPuso’ hahah, adik!
  5. Taguan at Tumbang – Preso. Magkaiba pala yung tumba-lata sa tumbang-preso. Yung isa, pede sipain yung lata. At pinaka ayaw ko kapag napugot – ulo ka. Kapag tumayo uli yung lata nung tinira mo. May bilangan. Pag di agad naisipit, Taya! /bawal ang bantay – pari!
  6. Ukit sa Bintana.  Siguro hindi mo to tanda. Inaalis natin yung semento sa bintana ng mga Mamay Igna. Nakita tayo ng Ninong Ibol at hinabol ako. Ayun, napalo. Ikaw, nakatakbo!
  7. ‘Walking on the Bridge’. Bridge – slash – canal naman yun. Mga bata nga naman. ‘Walk on the bridge, walking on the bridge. Ryan and Lala are walking on the bridge. Walk on the bridge. Walking on the bridge. The two best friends are walking on the bridge.’
  8. Guessing game. Larong naimbento nating tatlo ng Ate. Hindi ko maalala kung paano. Kapanahunan to ni Chiki, ung sisiw kong dilaw.
  9. Bisita sa MES. Medyo Malabo sa akin tong event na to. Dumalaw ako sa inyo. Tas nilakad nating hanggang skul mo. Kaso di ko talaga maalala mga nangyari. Basta kumain tayo ng halo-halo nun.
  10. The Evils. Sina Tessie Tomas at Tita Weng. Si Tita Weng, mabait na ngayon. Pero dati, parati na lang tayo pinagbubuntunan ng galit.
  11. Pagkaisahan. Isang beses, naglalaro ata tayong tong – iy ng Ate (o killer – killer kahit 3 lang tayo) tapos inaway ako ng ate. Siyempre, ginulpi ako nun. At pagkatapos nun, ginawa nating invisible siya! Yehey! Dalawa tayo.
  12. Bagong taon! Taon- taon tayong umiikot sa mga bahay – bahay pag New Year. Dami paputok. One – time big – time air pollution pag nag – 12 na. binibigyan mo akong lusis at roman candle parati. Lusis na nasa patpat lang kasi ginagamit ko.
  13. Greenwich. Nagmall tayo ng mga ate tas bumili ng pizza at pearl coolers. Di ko masyado maalala basta chocolate yung satin. Ham and cheese yung pizza.
  14. Letters. Since di tayo nagkikita gaano, sabi mo, sulat nalang tayo sa isa’t isa at bigayan nalang pag nagkita tayo. Natitira pa yun. Nakatago. --,
  15. Graduation. Sumama ka sa graduation ko. Nakita mo sa vica! Ang ganda nia ano? Heheh. Masaya ako nun kasi nakita mo ang mundong ginalawan ko ng 4 na taon. (Lipa Science Nat’l High School)
  16. Alabang. Hinatid kita sa Alabang nun. Kumain pa nga tayo sa mall. Ewan kung anong mall yun. Festival ba un? Basta sa Alabang yun eh. Tas naghalo-halo.
  17. Birthday ko. Masaya ang bday ko. Marami bumati. Marami surpresa. Pero siyempre ang kumumpleto parin ay ang tawag mo, mga banding 11:35 PM. Hindi ko lang nabilang kung 18 yung pinadala mong msg pero na-touch ako nun. Heheh…
  18. Ang isa sa mga pinakahuling bagay na kinuwento mo sakin ung kay Cyrrus. Sinabi mo, nung minsang dumalaw ka sa bahay yung kwento niyo. Natakot ako nun para sa’yo. Wala ka kasi ibang bukambibig kundi yun. Naisip ko mali nay un kaso hindi ko rin naman ikaw maintindihan. Sabi ko na lang sa sarili ko nun, alam mo na gagawin mo, kaw pa! Tama naman ako diba? 












CONCLUSION

            Sa labing – walong taong tayo’y magkakilala, nakita kita sa iba’t ibang panahon at sitwasyon. Nakilala kita at kaibigan na bago pa man ako matutong magbasa. Ngayong dalaga ka na, ano pa nga bang mahihiling ko para sayo? Madami!
  1. Sana makagraduate ka. Tau! Ng on-time. Konting tyaga nalang… Yuck, ang tanda na…
  2. Sana makahanap ka na tunay ng pag-ibig. O pede ring ‘mahanap ka ng tunay na pagibig!’ bata ka pa. Matagal pa yun.
  3. Sana magtino ka na. Matanda na. Alam na dapat ang tama at di tama.
  4. Sana maging responsable ka sa’yong sarili. Hindi ka na pede pangunahan ng mga magulang mo pero sana kaya mo na panindigan mga desisyon mo.
  5. Siyempre, wish ko sa’yo good health ang long life! Matagal pasana tayo magkakilala.
  6. Pangarap ko rin para sa’yo ang magandang karera sa hinaharap. Nasa iyo yun. Ikaw ang gagawa nun.
  7. Sana rin hindi ka na masydo mamroblema sa acads. Lahat tayo dumadaan jan kaya di ka nagiisa.
  8. Sana mailatag mo na ang plano mo sa future. Maganda yung ngayon palang ma goals ka ng inaabot.
  9. Sana makuha mo anuman ang gusto mo. Material man o hindi.
  10. pero bago yung # 9, sana malaman mo yung mga gusto mo talaga. Hindi yung gusto mo lang ngayon.
  11. Sana rin GUMANDA ka pa lalo. Maganda na eh, konti nlang artista na. tama ba?
  12. Sana maging mabuting anak ka sa’yong mga magulang. Maya- maya pa’y ikaw na ang magulang kaya dapat hndi mo sila inaaway.
  13. Sana manalo ka sa isang Singing Contest. Maganda sana kung sa tv pero kahit saan naman, ng mahalaga marecognize ka ng maram. Wag mo lang ako kalilimutan kung ganun.
  14.  Sana mas makilala mo pa ang sarili mo. Sabi nga, ‘Each day you also discover yourself’. Para malaman mo kung ano pa ang mga ka mong gawin.
  15. Sana rin pala wag mo kalimutan si God. Blessed ka at sa kanya galling mga yn, magpasalamat tayo.
  16. Sana rin kasama mo pa rin ako palagi. Di man physical kasi magkalayo tayo, sana naaalala mo ako paminsan. Hindi rin naman kita nalilimutan.
  17. sana matupad wish mo, kung anuman yun.
  18. At sana PARATI ka MASAYA! Anuman mangyrai, parati ka dapat nakangiti at masaya.




















RECOMMENDATIONS

Eto, revised version ng puso ko. Heheh… para sau.


(Preview not available)

di ko kaya idrawing dito yung heart na ginawa niya.. equation na lang.
( y+ z– 1 )3 – y2z3 = 0


Happy birthday, bes!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento