pag pwede ba palitan ang magulang papalitan nio magulang nio?
eh kung pwede pumili ng anak, pipiliin pa din kaya ako ng magulang ko?
nagmumura ako.
nasubukan ko nang iforge ang pirma ng nanay at tatay ko dahil bagsak ako sa exam nung elementary ako at HS ako.
nakapagcutting classes na ko nung second year high school pa lang ako.
nasubukan ko na tumakas at pumunta kung san san ng di nagpapaalam, pinakamalayo siguro... pateros? pasig? trinoma? ewan.. bsta panorth..
nagsinungaling na ko para lang payagan umalis ng bahay.
nagkaboy friend ako ng hindi nila alam.. (nahuli ako)
nalasing na ko ng hindi nila alam..
nakapagovernight ako sa ibang bahay ng hindi nila alam..
nahuli na ko nagsasalita habang nakatalikod sila..
nagtetext ako ng madaling araw kahit bawal at di nila alam..
may kausap ako sa fone ng madaling araw ng di nila alam..
nakasira ako ng gamit ng di nila alam..
mdalas ako makawala ng gamit..
nagdadabog ako pag di ako pinagbibigyan..
minsan, mas pinili ko ang kaibigan kesa sa kanila..
tinawanan ko na sila sa likod nila..
kinahiya ko sila minsan sa buhay ko..
binigo ko sila na mgiging honor ako paggraduate ko ang elem at HS.
pag pinagbigyan ako sumusobra ako..
nagsasayang ako ng pera. pera nila..
di ako nagaaral mabuti.
di ako inaalagan sarili ko..
umiinom ako softdrinks kahit bawal..
tanghali ako gumising at di nagaalmusal kahit DAPAT akong magalmusal..
naglilihim ako sa kanila..
lagi ko sila nadidsappoint.
pinapahiya ko sila sa ibang tao..
madalas, di ko sila iniisip dahil gumagawa ako ng bagay ng walang consent nila.
wala akong alam na gawaing bahay..
di ako matalino..
ang WORST na nagawa ko sa ngayon at kahapon lang...
nakainom ako, dala ko ang koche at parang lumabas na sinundo pa ko ng tatay ko mula sa inuman.
di ako perpektong anak.. TERIBLENG ANAK siguro ako para sa kanila..
PERO.. hindi ko kayang palitan sila bilang pamilya ko.
sumusuway ako, madalas.. pero, may konsiyensiya ko. may awa ako. may nararamdaman ako, nagsisisi din ako pag may nagagawa akong mali, natututo ko sa bawat pagkakamali ko, nasasaktan ako, pinipilit kong mabuhay sa paraang gusto nila..
PERO..
ang mundo, ayaw akong tantanan.. sa paningin ng magulang ko, ang sama sama ko.. pero, sa totoo lang, kung ikukumpara ko ang sarili ko sa karamihan ng kaedad ko.. na nakikita ko.. na nakilala ko.. kaaway ko.. kaibigan ko.. hindi pa to ang WORST. hindi pa ko demonyo. normal na tao pa ako. normal na teenager na natututo pa lang siguro kung paano mabuhay.
kung may pagkakataon lang.. hahanapin ko sarili ko.. lalayo ako dito at papahirapan ang sarili ko. ung tipong walang ibang makakatulong kundi ako lang. para pagbalik ko, pwede ko na sabihin na may mapapatunayan ako. kaso, walang pagkakataon.. hindi ko yun pwedeng gawin. pipigilan nila ko.. baka lalo pa magalit..
I'm sorry.
It was my fault .
How can I make it right? again..
4-26-09
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento